TV

Netizens, kinilabutan kay Dingdong Dantes sa 'ICSY: AlterNate'

By Jansen Ramos

Bumilib ang viewers sa transformation ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes mula sa pagiging prim and proper hanggang sa maging paranoid at psychotic sa GMA primetime mini-series na I Can See You: Alternate.

Ito ay matapos aksidenteng mapatay ng character ni Dingdong na si Nate ang controlling na ama na si Lyndon (Ricky Davao) dahil sa isang matinding pagtatalo na nauwi sa isang malagim na trahedya. Ang pagtatalo ng mag-ama ay sanhi ng viral photo nina Michael at Vice Mayor Darwin Trinidad (Yan Yuzon) na inakala ni Lyndon na si Nate ang nasa larawan. Si Dingdong din ang gumaganap bilang Michael, na kakambal ni Nate.

Hindi roon nagtapos ang kalbaryo ni Nate dahil hanggang sa pagkamatay ng ama ay dinadalaw siya nito sa kanyang isipan.

Tumindi pa ang paranoia ni Nate nang mawala ang kanyang paningin matapos maaksidente habang nagmamaneho ng motor.

Hindi namalayan ni Nate na nagiging katulad na rin siya ng malupit na ama lalo na sa pakikitungo niya sa kanyang ina na si Cita (Jackie Lou Blanco) at asawang si Sheila (Beauty Gonzalez).

Hinangaan naman si Dingdong sa kanyang pagganap bilang psychotic na si Nate, na naiiba sa kanyang previous roles.

Ayon sa ilang netizens, kinilabutan sila kay Nate lalo na noong bumalik na ang kanyang paningin matapos magkaaminan ng feelings ang kanyang asawa na si Sheila at kakambal na si Michael.

Ipinalabas ito noong Miyerkules (February 2) kung saan kinompronta ni Nate ang misis dahil sa relasyon nila ni Michael. Tulad ng ama, naging mabigat din ang kamay ni Nate kay Sheila.

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa nasabing eksena:

Sa huling Huwebes ng I Can See You: AlterNate, lalong titindi ang kondisyon ni Nate dahil kahit ang sarili niyang asawa ay ipapahamak niya.

Ang I Can See You: AlterNate ay mula sa direksyon ni Dominic Zapata.

Subaybayan ang huling dalawang araw nito sa ganap na 8:50 p.m., pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon sa GMA.

Maaari rin mapanood ang full episodes ng I Can See You: AlterNate at iba pang Kapuso series sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Samantala, narito ang kumpletong listahan ng star-studded cast ng GMA Telebabad series: