TV

'I Heart Davao' ni Tom Rodriguez at Carla Abellana, ipapakita ang mga tourist spots sa Davao

By Gia Allana Soriano

Malapit na ipalabas ang bagong GMA romcom produced by GMA News and Public Affairs sa Telebabad slot. Papalitan ng I Heart Davao bukas ng gabi ang Meant To Be.

Bukod sa pinapangakong kilig at katatawanan ng love team nina Tom Rodriguez at Carla Abellana, at ni Betong Sumaya at Maey Bautista, pinagmamalaki rin ng cast ang visually pleasing cinematography ng I Heart Davao, kung saan ipapakita nila ang mga magagandang tourist spots sa Davao.

Ani Carla, "Every day po kami nagta-taping doon. Mostly doon po sa cacao farm na ang tawag po ay Malagos. 'Yun po 'yung main location dahil pagmamay-ari siya ni Ponce (Tom Rodriguez)."

Gaano kalayo ang cacao farm sa siyudad?

Ika niya, "About an hour. Sometimes an hour and [a] half, kasi surprisingly 'yung traffic sa Davao po, medyo traffic na rin po talaga."


Pero kahit traffic, hindi pa rin matatanggal na sobrang ganda naman talaga sa Davao, at mapapanood na ito ngayong June 26 pagkatapos ng My Love From The Star.

Dagdag ni Carla, "Mostly aside po sa cacao farm sa city na po talaga. Sa Matina [Town Square], sa may Roxas, nag-white water rafting po kami sa Davao, so 'yung mga major tourist spots and areas po sa Davao, kinunan po talaga namin. Mafi-feature po 'yung mga area and tourist spots sa Davao, and mga puwedeng gawing activities as well."