WATCH: Zoren Legaspi, makakasama na sa 'I Heart Davao'
Pagkatapos gumanap bilang Bathalang Emre sa Encantadia, balik primetime ang aktor na si Zoren Legaspi sa pagkakasali sa kanya sa cast ng I Heart Davao.
FIND OUT: Sino ang nag-suggest na ipasok si Zoren Legaspi sa 'Encantadia?'
Sa ulat ni Neslon Canlas sa 24 Oras, ikinuwento ni Zoren na na-miss niya ang maging bahagi ng romantic comedies kaya niya tinanggap ang nasabing proyekto.
Aniya, "I was in Batanes at that time. Mahirap ang communication but I said, 'You know, it's a good show. Kung ano man ang role ko, sige, okay na.'"
Bukod sa I Heart Davao, mapapanood din si Zoren at ang kanyang pamilya ngayong Linggo, July 23, sa pinakabaong travel-reality show na Road Trip. Bumiyahe patungong Batanes ang mag-asawang Zoren at Carmina Villaroel kasama ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy.
Pagbabahagi ng dating action star, "The reason why I said yes, it's about time. I guess I owe it to the audience kasi dati nakikita nila maliit pa lang [ang kambal]. Sabi ko, para makilala nila ang kambal, and at the same time, makita din ng audience kung gaano kasaya ang Legaspi family kapag nagta-travel."
Panoorin ang buong report dito:
Video courtesy of GMA News