TV

Street dance docu-drama na 'Beyond the Block,' tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz

Hindi dapat palampasin ang Beyond the Block, isang documentary-drama tungkol sa makulay na mundo ng Philippine streetdance sa digital channel na I Heart Movies.

Bukod sa pagtalakay ng 50 taong kasaysayan ng street dancing sa Pilipinas, nagsisilbi rin itong autobiography ng dancer at choreographer na si Ricky Carranza.

Nagsilbing choreographer si Ricky ng mga tanyag na Pinoy performers tulad ni Gary Valenciano at Francis M na itinuturing niya bilang isa sa mga malalapit niyang kaibigan.

Tunghayan ang docu-drama na Beyond the Block, October 13, 9:35 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Halakhak ang hatid ng 2019 film na Feelennial na pinagbidahan ng mga komedyanteng sina Ai-ai delas Alas at Bayani Agbayani.

Si Ai-ai ay si Madame Bato-Bato, isang mayamang biyuda. Si Bayani naman ay si Chito, isang lalaking nakabingwit ng jackpot sa lotto.

Sa paghananap nila ng pag-ibig, magma-match sila sa isang dating app.

Abangan ang kanilang misadventures sa Feelennial, October 12, 10:20 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.