TV

Murder mystery na 'Death of a Girlfriend,' tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz

Isang erotic murder mystery ang hatid ngayong linggo ng digital channel na I Heart Movies.

Pinagbidahan nina Diego Loyzaga at AJ Raval ang pelikulang Death of a Girlfriend na directed by Yam Laranas.

Isang karumal-dumal na krimen ang mangyayari sa gubat na malapit sa isang paaralan at tatlo ang magiging suspect dito.

Tatlong magkakaibang bersyon din ng katotohanan ang makukuha ng mga imbestigador mula sa mga suspect.

Sino kaya sa kanila ang tunay na may sala?

Alamin 'yan sa Death of a Girlfriend, October 21, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Hindi rin dapat palampasin ang ensemble film na Bamboo Flowers na mula sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes at panulat ni Aloy Adlawan.

Kumuha ang pelikula ng inspirasyon mula sa bulaklak na namumukadkad lamang bago tuluyang mamatay ang isang kawayan.

Kuwento ito ng buhay ng iba't ibang tao sa Bohol na humaharap sa maraming pagbabago na nakakaapekto sa kanilang buhay.

Tampok sa pelikulang ito sina Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid, Mylene Dizon, Max Collins, Irma Adlawan, Miggs Cuaderno, Barbara Miguel at marami pang iba.

Abangan ang Bamboo Flowers sa October 17, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.