TV

'Temptation Island' at 'Baler,' mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo

By Bianca Geli

Balikan ang 2011 comedy drama film na Temptation Island, ang remake ng patok na 1980 movie na may parehang pamagat na tungkol sa mga beauty queen aspirants na napadpad sa isang deserted island.

Tampok sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, John Lapus, Tom Rodriguez, Aljur Abrenica, at Mikael Daez. Balikan ang mga bangayan ng mga survivors habang naghihintay ang magliligtas sa kanila. Makaalis pa kaya sila ng kumpleto sa isla?

Hango sa original screenplay ni Joey Gosiengfiao at prinodyus nina Lily Y. Monteverde at Annette Gozon-Abrogar, alamin ang mga misadventures sa Temptation Island, sa October 27, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Romantic war film naman ang handog ng I Heart Movies sa darating na Sabado.

Tunghayan ang Baler, ang epic love story nina Feliza (Anne Curtis), anak ng isang rebelde, at ni Celso (Jericho Rosales) na isang sundalong may dugong Kastila. Kahit ipinagbabawal ang kanilang pag-iibigan, pilit nilang ipaglalaban ang kalayaan. Maging malaya rin kaya sila sa pag-ibig?

Umani ng maraming parangal ang Baler sa 2008 Metro Manila Film Festival, kabilang ang Best Picture, Best Actress, Best Supporting Actor, Best Director, Best Screenplay, Best Cinematography, Best Production Design, Best Editing, Most Gender-Sensitive Film, at Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Awards.

Panoorin ang kanilang natatanging kuwento sa Baler, sa October 28, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.