TV

'My Kontrabida Girl' starring Rhian Ramos, tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz

Tampok ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies ang mga pelikula mula sa mga premyadong leading ladies ng Philippine showbiz.

Huwag palampasin si Rhian Ramos bilang ang bidang kontrabida sa My Kontrabida Girl.

Gaganap siya rito bilang Isabel, isang sikat aktres na nakilala sa pagiging kontrabida sa mga soap opera.

Pagkatapos ng isang near death experience, hindi na makakayanan ni Isabel na magmaldita sa harap ng camera!

Para muling mahanap ang motivation bilang isang kontrabida, hahanapin niya ang taong pinaka nanakit sa kanya: ang ex-boyfriend niyang si Chris, played by Aljur Abrenica.

Tunghayan ang My Kontrabida Girl, November 20, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Sa romantic family drama film na Ploning, gaganap si Judy Ann Santos bilang Ploning, isang masipag at matulunging babae mula sa Cuyo, Palawan.


Hinihintay niya ang pagbabalik ng kanyang kasintahan na lumuwas ng Maynila 14 taon na ang nakalilipas. Isang araw, magde-desisyon si Ploning na hanapin ito sa Maynila.

Umani ang Ploning ng parangal na Best Director para kay Dante Nico Garcia at nominasyon para sa Best Screenplay/Script sa Asian Festival of First Film Awards na ginanap sa Singapore.

Abangan ang Ploning sa November 22, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.