TV

'Crying Ladies' ni Sharon Cuneta, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz

Isa sa mga iconic films ni Megastar Sharon Cuneta ang hindi dapat palamapasin ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.

Mapapanood kasi rito ang award-winning movie na Crying Ladies.

Kasama rito ni Sharon ang mga premyadong aktres na sina Hilda Koronel at Angel Aquino.

Gumanap sila rito bilang mga babaeng papasukin ang kahit anong raket para lang kumita. Ang latest raket nila ay ang pagiging professional mourners o mga "crying ladies" para sa isang mayamang Chinese patriarch.

Bahagi rin ng pelikula sina Eric Quizon, Ricky Davao, Julio Pacheco, Shamaine Buencamino, Sherry Lara, at Raymond Bagatsing.

Humakot ang pelikulang ito ng mga parangal sa 2003 Metro Manila Film Festival, kabilang na ang Best Picture, Best Director, Best Actor para kay Eric Quizon, Best Supporting Actress para kay Hilda Koronel, at Best Child Performer para kay Julio Pacheco.

Abangan ang Crying Ladies, February 10, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Makapigil-hininga naman ang excitement sa Dyamper na pinagbibidahan nina Alchris Galura, Carlo Aquino, at Timothy Mabalot.

Tungkol ito sa isang grupo ng magkakaibigan na tumatalon sa mga truck ng bigas para magnakaw ng mga maaari nilang ibenta.

Malalagay sila sa mas matinding peligro nang aksidenteng makakuha ang isa sa kanila ng pakete ng droga.

Huwag palampasin ang Dyamper, February 9, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.