TV

Drama movie na 'Paupahan,' tampok sa I Heart Movies channel

By Marah Ruiz

Para sa mahihilig sa drama movies, tampok ang pelikulang Paupahan (2008) sa movie lineup na mapapanood sa digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Sa ilalim ng direksyon ni Joven Tan, ang Paupahan ay isang anthology ng tatlong mga kuwento ng mga taong nakatira sa isang slum area malapit sa isang sementeryo.

Powerhouse ang cast nito kung saan kabilang sina Ms. Gloria Romero, Snooky Serna, Angelu de Leon, German Moreno, Krista Ranillo, Joseph Bitangcol, Kirby de Jesus at Jay Manalo.

Abangan ang Paupahan na ipalalabas sa February 28, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date ng I Heart Movies.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.