TV

'Two Funerals' starring Xian Lim, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz

Isang comedy-drama film tungkol sa "body switching" ang hatid ngayong linggo ng digital channel na I Heart Movies.

Sa indie film na Two Funerals, magkakapalit ang labi ng dalawang taong namatay dahil sa isang vehicular accident.

Gaganap dito si Xian Lim bilang Gerry, fiance ng isa sa mga namatay na si Charm. Hindi batid ni Gerry na nagkamali ang funeral parlor at ibang mga labi ang na-release sa kanya.

Magugulat ang nanay ni Charm na si Pilar, played by Tessie Tomas, na labi ng isang lalaki ang darating sa kanila sa Tuguegarao.

Mate-trace nina Pilar at Gerry na nasa Sorsogon ang tunay na labi ni Charm kaya agad silang pupunta rito. Mababawi ba nila ang labi ng mahal sa buhay?

Abangan ang Two Funerals, April 6, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Sabayan naman ang pagtuklas ng isang dalagita sa kahalagahan ng pagmamahal at pagtanggap sa sarili sa pelikulang Black Lipstick.

Ang Black Lipstick ay reimagining ng hit 1986 film na Blusang Itim at updated ito para sa mga Gen Z ngayon.

Tampok dito si Kapuso actress Kyline Alcantara bilang Ikay, isang teenager na may kundisyong vitiligo.

Dahil sa kundisyong ito, nakararanas si Ikay ng bullying sa kanilang eskuwelahan at maging sa social media accounts niya.

Makakahanap siya ng isang mahiwagang itim na lipstick na may kapangyarihang magbigay sa kanya ng flawless na balat. Bubuo si Ikay ng panibagong persona, ang social media influencer na si Jessie. Pero gaano katagal niya kayang pangatawanan ang double life na ito?

Makakasama ni Kyline sa pelikula sina Migo Adecer, Manolo Pedrosa, at Snooky Serna na bahagi ng orihinal na pelikulang Blusang Itim.

Huwag palampasin ang Black Lipstick, April 4, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.