TV

'Habangbuhay' starring Elisse Joson and McCoy de Leon, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz

Isang touching coming of age story ang hatid digital channel na I Heart Movies digital channel.

Tampok ang real-life couple na sina Elisse Joson at McCoy de Leon sa Habangbuhay.

Gaganap si Elisse bilang Bea, isang spoiled at mayamang social media influencer. Ma-i-in love siya sa kanilang houseboy na si JR, karakter naman ni McCoy.

Bukod sa kaibahan ng estado nila sa buhay, mas susubukin pa ng isang malubhang karamdaman ang kanilang relayson.

Huwag palampasin ang Habangbuhay, April 10, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Panoorin din pelikulang Sekyu na pinagbibidahan ni Allen Dizon.

Kuwento ito ng isang tapat na security guard na masasangkot sa isang nakawan na siyang magdadala sa kanya sa piitan.

Dahil sa kanyang natatanging pagganap sa pelikula, hinirang si Allen bilang Best Actor (Feature Film) sa International Film Festival Manhattan noong 2018.

Abangan ang Sekyu, April 11, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.