TV

'Pinay Beauty' starring EA Guzman and Chai Fonacier, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz

Thought-provoking indie films and hatid ngayong linggo ng digital channel na I Heart Movies.

Isa sa mga tampok dito ang Pinay Beauty na pinagbibidahan ng award-winning na mga artistang sina EA Guzman at Chai Fonacier.

Tungkol ito sa isang lalaking malalagay ang buhay sa panganib dahil tumangay siya ng malaking halaga para mabayaran ang pagpaparetoke ng kanyang girlfriend.

Abangan ang Pinay Beauty, April 19, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Pasukin naman ang mundo ng iligal na sugalan sa Oros na pinagbidahan ng yumaong award-winning actor na si Kristoffer King, kasama si Kapuso actor Kristoffer Martin.

Si King ay si Makoy na pagbebentahan ng isang 'di nakikilalang bangkay. Gamit ang bangkay, magdadaos sila ng lamay bilang front sa pinapatakbo nilang iligal na saklaan.

Huwag palampasin ang Oros, April 18, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.