TV

'Tupang Ligaw' starring Matteo Guidicelli, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz

Makapigil-hininga ang indie films na tampok ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.

Isa na riyan ang Tupang Ligaw na pinagbidahan ni Black Rider star Matteo Guidicelli.

Gumanap si Matteo rito bilang dating miyembro ng army na naghahanap sa kanyang nawawalang kapatid. Anong panganib ang haharapin niya sa pagdating niya sa barrio kung saan huling namataan ang kanyang kapatid?

Abangan ang Tupang Ligaw, May 4, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Panoorin din ang drama thriller film na Adan, starring Rhen Escaño at Cindy Miranda.

Tungkol ito sa simpleng anak ng magsasaka na gustong tumakas mula sa poder ng kanyang ama. Magagawa niya ito sa tulong ng kanyang matalik na kaibigan pero mabigat ang magiging kapalit ng kanyang kalayaan.

Tunghayan ang Adan, May 3, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.