
Iba't ibang love stories ang hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.
Isa na riyan ang I Love Lizzy na pinagbidahan nina Carlo Aquino at Barbie Imperial.
Gaganap dito si Carlo bilang Jeff, isang seminarista na magbabakasyon para matukoy kung nais ba niyang ipagpatuloy ang pagpapari.
Makikilala niya si Lizzy, isang tour guide, na magpapa-question sa kanyang pananampalataya.
Mas magiging matimbang ba ang pagmamahal ni Jeff kay Lizzy o ang kagustuhan niyang magsilbi sa Diyos?
Alamin 'yan sa I Love Lizzy, October 8, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag ding palampasin ang pelikulang Lihis na mula sa direksiyon ni Joel Lamangan at panulat ni National Artist for Films and Broadcast Arts Ricky Lee.
Pinagbidahan ito nina Jake Cuenca at Joem Bascon na gaganap bilang mga miyembro ng New People's Army (NPA) na iibig sa isa't isa noong dekada 70.
Kasama nila sa pelikula ang ilan pang mga bigating artista tulad nina Lovi Poe, Isabelle Daza, at Gloria Diaz.
Abangan ang Lihis, October 9, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.