TV

I Heart Movies, magtatampok ng classic at contemporary Pinoy films, Hollywood blockbusters, atbp

By Marah Ruiz

Talagang there is something for everyone sa bagong digital movie channel ng GMA Network na I Heart Movies.

Dahil maraming iba't ibang pelikula ang mapanonood dito, hinati ang mga ito sa apat na magkakaibang movie blocks.

Nariyan ang "Timeless Telesine" kung saan tampok ang mga original made-for-TV movies mula sa GMA Telesine Specials.

Sa "Takilya Throwback" naman mapapanood ang mga pelikulang Pinoy mula dekada '70 hanggang early 2000s.

Para naman sa mga mahilig sa contemporary Filipino films, nariyan ang "Pinoy Movie Date."

Siyempre, hindi mawawala ang Hollywood films sa "Block Screening."

Available ang digital movie channel na I Heart Movies sa GMA Affordabox, GMA Now, at sa iba pang digital television boxes.

Experience all the feels sa I Heart Movies, parating na ngayong April 5!