TV

I-rescan ang GMA Affordabox para makuha ang 'I Heart Movies' channel

By Marah Ruiz

Parating na ngayong April 5 ang I Heart Movies, ang bagong digital movie channel mula sa GMA Network.

You can experience all the feels sa I Heart Movies dahil iba't ibang pelikula ang mapapanood dito.

May horror, romance, drama, comedy, action at iba pa. Mayroon ding local films at international movies mula sa Hollywood at iba pang mga bansa.

Available ang I Heart Movies sa channel 5 ng GMA Affordabox at GMA Now at iba pang digital TV boxes.

Para makuha ito, kailangan lang i-rescan ang inyong digital TV boxes.

Sundan lamang ang sumusunod na steps para ma-rescan ang inyong GMA Affordabox.

1. Pindutin ang "scan button" na matatagpuan sa remote control ng GMA Affordabox.
2. Pindutin ang "OK"
3. Hintaying matapos ang scanning, at makikita na ang I Heart Movies sa channel list

Para sa mga katanungan, tumawag sa mga GMA Afforabox hotline numbers na ito, mula 8:00 am hanggang 10:00 pm araw-araw.

Para sa mga GMA Affordabox users sa Metro Manila: (02) 8857-4627

Para sa mga GMA Affordabox users sa labas ng Metro Manila: 0961-252-9393

Para naman sa mga katanungan ng mayroong ibang digital TV boxes, maaaring tumawag sa mga numerong (02) 8462-8177 at (02) 8982-7777 loc 7046, mula Lunes hanggang Biyernes, 9:00 am to 6:00 pm.