TV

'When I Met U' nina Richard Gutierrez at KC Concepcion, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz

Tampok ang tambalang Richard Gutierrez at KC Concepcion sa digital channel na I Heart Movies sa darating na linggo.

Mapapanood kasi ang kanilang romantic comedy film na When I Met U sa October 18, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Sa pelikulang ito gumaganap si KC bilang Jenny, isang hopeless romantic na nagtatrabaho bilang isang promodizer sa mall. Si Richard naman ay si Benjie, piloto ng isang cargo plane.

Para maka-attend ng isang kasalan sa Palawan, makikisakay si Jenny sa cargo plane ni Benjie. Sa 'di inaasahang pangyayari, magka-crash ito!

Paano magsu-survive sa isang liblib na isla sina Jenny at Benjie?

Isang pang Richard Gutierrez starrer ang tampok sa I Heart Movies this week.

Huwag palampasin ang tambalan nila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa My Lady Boss, October 20, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Gaganap dito si Richard bilang si Zach, isang rich kid na malulugi ang startup na kumpanya.

Si Marian naman ay si Evelyn, ang magiging boss ni Zach matapos itong mapilitang maghanap ng trabaho sa ibang kumpanya.

Kung magkaroon man ng feelings sa pagitan nila, puwede ba nila itong ipagpatuloy kung boss at subordinate sila?

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital televisions receivers.