TV

'Just One Summer' ni Julie Anne San Jose, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz

Ang sarap magbalik-tanaw sa ating first love kasama ang digital channel na I Heart Movies.

Tampok kasi dito ang Just One Summer, na pinagbidahan ni Julie Anne San Jose at Elmo Magalona.

Si Elmo ay si Daniel, isang binatang mapipilitang sumama sa farm ng kanyang estranged father. Lalong walang gana si Daniel na magpalipas ng kanyang summer vacation sa farm dahil kasama pa nila ang bagong girlfriend ng kanyang ama.

Sa kanyang pag-iwas sa kanyang ama at girlfriend nito, makikilala niya si Beto, ang karakter ni Julie Anne. Galing man sa mahirap na pamilya, matalino at very optimistic si Beto. Siya na ba ang magiging susi sa magandang summer ni Daniel?

Abangan 'yan sa Just One Summer, February 25, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Para naman sa mga mahihilig as comedy films, tunghayan ang launching movie ng komedyanteng si Tekla na Kiko en Lala, February 21, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Huwag din palamapasin ang action comedy horror adventure film na Tiktik: The Aswang Chronicles, starring Dingdong Dantes and directed by Erik Matti, sa February 23, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital televisions receivers.