TV

'Patient X' ni Richard Gutierrez, tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz

Titindig ang inyong mga balahibo sa horror movie na inihanda ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Mapapanood kasi ang Patient X, starring Richard Gutierrez at directed by Yam Laranas ngayong April 28, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Gaganap dito si Richard bilang isang doktor na babalik sa kanyang hometown matapos ang dalawang dekada. Nadakip na kasi ng mga pulis ang pumatay sa kanyang kapatid ilang taon na ang nakalilipas.

Isa itong aswang, at matagal na itong malapit sa kanilang pamilya.

Bukod sa pagiging bida, nagsilbi rin si Richard bilang isa sa mga producers ng Patient X.

Samantala, para naman sa mga comedy fans, nariyan ang Our Mighty Yaya na isinulat at idinirek ni Jose Javier Reyes.

Tampok dito si Aiai Delas Alas bilang isang yaya na mag-aalaga sa mga pasaway na anak ng isang mayamang pamilya.

EMBED Yaya here

Makuha kaya niya ang loob ng mga bata?

Panoorin si Aiai Delas Alas sa Our Mighty Yaya, sa April 29, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.