GMA Logo Tween Academy Class of 2012
What's on TV

'Tween Academy: Class of 2012,' tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz
Published August 30, 2022 10:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

FFCCCII bats for reforms, inclusive growth for Philippines in 2026
Probe team up on Dueñas, Iloilo vice mayor’s death
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

Tween Academy Class of 2012


Kabilang ang 'Tween Academy: Class of 2012' sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Mapapa-throwback tayo ngayong linggo sa digital movie channel na I Heart Movies.

Tampok kasi rito ang youth-oriented ensemble film na Tween Academy: Class of 2012.

Base ito sa hit series na Tween Hearts at dito nagsimula ang ilang sa mga malalaking Kapuso stars tulad nina Asia's Multimedia Star Alden Richards, Barbie Forteza, at Derrick Monasterio.

Balikan ang ups and downs ng high school sa Tween Academy: Class of 2012, September 1, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood naman ang bittersweet na pelikulang Batanes, starring Iza Calzado at F4 member Ken Chu sa November 19, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Kuwento ito ni Pam, role ni Iza, isang Manila girl na mai-in love sa Ivatan na si Rico, played by Joem Bascon. Iiwan niya ang buhay sa Maynila at sasama siya kay Rico sa Batanes para magpakasal at magsimula ng sarili nilang pamilya.

Isang araw, hindi nakauwi si Rico mula sa pangingisda. Maiisip ni Pam na umuwi na lang sa Maynila ngayong wala na ang kanyang asawa.

Pero bigla niyang matatagpuan ang Taiwanese na si Kao, ang karakter ni Ken, na walang malay sa isang isla. Aalagaan niya si Kao kahit na hindi ito tanggap ng kanilang pamayanan dahil karaniwang illegal fishers ang mga Taiwanese sa Batanes.

Huwag palampasin ang Batanes, August 31, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.