TV

Heart Evangelista, pinasalamatan ng kanyang 'I Left My Heart in Sorsogon' leading men

By Marah Ruiz

All praises sina I Left My Heart in Sorsogon leading men Richard Yap at Paolo Contis para sa kanilang leading lady na si Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista.

Malaking bahagi raw kasi si Heart sa pagiging masaya at kumportable ng pagsu-shoot nila ng serye.

"Masaya 'yung [set] namin. Again, it was a very nice surprise na ganoon 'yung naging chemistry noong lahat. Wala kaming stage na nangapa, para sa akin. It was just all [smooth]. Hindi lang siya professional, naging magkakaibigan kami. Para sa akin, we have to thank Heart for that. To be honest, kasi siya 'yung nagba-bind sa aming lahat," pahayag ni Paolo.

Sang-ayon naman dito si Richard na first time makakatrabaho si Heart.

"She was very accepting and very open, very welcoming. Parang nawala na kaagad 'yung tension na hindi kayo magkakakilala and then first time magkatrabaho kayo, medyo intimate scene kaagad. Doon pa lang, nakita ko na how good an actress and how good of a person Heart is. It was so easy right after that, all thanks to Heart," lahad naman ni Richard.

Kinilig naman si Heart sa mga papuri ng kanyang leading men. Mas kinilig pa siya dahil maipapakita ng serye ang ganda ng Sorsogon.

"Sorsogon is like a hidden paradise. Honestly, maraming taong hindi pa nakakarating sa Sorsogon. I'm so happy na GMA is giving them the spotlight," aniya.

Abangan ang world premiere ng I Left My Heart in Sorsogon, November 15 pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Panoorin din ang video sa itaas para sa buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras.