TV

Marian Rivera, guest sa 'iBilib'

By CHERRY SUN

Tila bilang lamang ngayon ang media appearances ni Marian Rivera dahil sa kanyang maselang kondisyon sa pagbubuntis. Kaya naman, kaabang-abang kung kailan at saan muling masisilayan ng kanyang mga tagahanga ang Kapuso Primetime Queen.

PHOTOS: Who are the lovely ladies prepping up for motherhood?

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Marian na siya ay mapapanood bilang guest sa iBilib.


Ang naturang palabas ay isang infotainment program ng GMA Network kung saan gumagawa ng scientific experiments para talakayin ang mundo ng siyensiya.

READ: Marian Rivera, two-time magazine cover girl for May 

Alamin kung ano ang gagawing eksperimento ni Mrs. Dantes. Tumutok sa iBilib tuwing Linggo at patuloy na mag-log in sa GMANetwork.com!