
Nagpahayag ng pasasalamat si Chef Boy Logro sa mga patuloy na nanonood ng Idol sa Kusina at sa wala nilang sawa sa pagsuporta sa programa.
Ayon kay Chef Boy sa exclusive na mensahe na ipinadala niya sa GMANetwork.com, "Maraming maraming salamat po sa tiwala."
Dagdag pa ng celebrity chef, itinuturing niyang blessing ang pagtitiwala ng mga manonood sa mga inihahanda niyang mga recipe sa loob ng ilang taon sa programa. Ang Idol sa Kusina ay nag-celebrate na ng 9th anniversary nito sa telebisyon nito lamang July.
Saad ni Chef Boy, "I'm so blessed na lagi kayo nandiyan. Kaya sa inyong lahat na nanonood ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga viewers saka sa mga sumusubaybay sa akin. Maraming salamat po."
Ibinahagi rin ni Chef Boy na excited na siya sa mga bagong recipes na ipapakita niya sa Idol sa Kusina.