TV

WATCH: Kapuso heartthrobs Jake Vargas, Jeric Gonzales, at Migo Adecer, malapit nang mapanood sa 'Ika-5 Utos'

By Felix Ilaya

Mas lalo pang iinit ang kuwento ng Ika-5 Utos dahil sa pagpasok ng Kapuso heartthrobs na sina Jake Vargas, Jeric Gonzales, at Migo Adecer.

Sa Ika-5 Utos, nag-level up ang tatlo pagdating sa acting dahil talagang challenging ang kanilang mga karakter.

Ayon kay Jeric, "Pinaghandaan ko siya, actually naming lahat, nag-workshop talaga kami with Direk Laurice."

"Sobrang challenging, with a lot of prayer and a lot of sweat and a lot of headaches dahil I'm studying the script way before," dagdag ni Migo.

Para naman kay Jake, "Ang hirap 'nung umpisa, hindi ko siya makuha kasi ang hirap maging bad boy. Pinag-aralan ko siya, nanood ako ng mga movies na pwede kong makopya na maangas."

Panoorin ang buong ulat sa Unang Balita below: