TV

EXCLUSIVE: Ryza Cenon, muntik nang hindi puntahan ang audition para kay Georgia ng 'Ika-6 Na Utos'

By MICHELLE CALIGAN

Tulad ng kanyang co-stars sa Ika-6 Na Utos, hindi rin inasahan ni Ryza Cenon ang tagumpay na tinatamasa ng kanilang teleserye. Katunayan, ayaw daw niyang siputin dati ang audition para kay Georgia, ang role na ginagampanan niya ngayon.

READ: EXCLUSIVE: Bakit naninibago si Ryza Cenon sa kanyang role bilang Georgia sa 'Ika-6 na Utos?' 

"Kung tutuusin, ayoko talaga siyang tanggapin nung una. 'Yung audition, ayoko talaga siyang puntahan, ayoko siyang kunin kasi alam ko na 'yung story. Hindi ko kasi alam kung kakayanin ko kasi anlayo-layo niya sa akin at hindi ko alam kung saan ko siya huhugutin," kuwento niya sa isang exclusive interview with GMANetwork.com.

Dagdag pa niya, "Eh si Ate Shine, full pack siya eh, hugot na hugot siya. Feeling ko, magsasalita pa lang ako, hampasin na niya ako."

Masaya naman ang aktres dahil nagagampanan niya nang maayos ang character na other woman.

"Hindi ko naman inakala na mabibigyan ko siya ng justice. Although lahat naman ng roles na nakukuha ko, lagi kong pinagdadasal na sana mabigyan ko ng justice. I'm so grateful and happy na ganito 'yung result ng pinaghirapan naming lahat."

MORE ON RYZA CENON:

Ryza Cenon hopes boyfriend Pocholo Barretto will be her last

WATCH: Ryza Cenon, nanawagan sa bashers ng kanyang karakter sa 'Ika-6 Na Utos'