TV

Direk Joey Reyes calls 'Ika-6 Na Utos' the 'best show on commercial TV today'

By Michelle Caligan

Dahil sa consistently high ratings na natatanggap ng Ika-6 Na Utos, hindi na nakapagtataka na mapansin ito ng ibang mga artista at direktor, lalo na ang mga eksenang nag-aaway sina Emma at Georgia, na ginagampanan nina Sunshine Dizon at Ryza Cenon.

WATCH: Tarayan nina Sunshine at Ryza sa 'Ika-6 Na Utos,' nauwi sa basaan!

Sa pagpasok ng character ni Angelika dela Cruz na si Geneva ay nadagdagan ang kontrabida sa buhay ni Emma, pati na rin ang catfight scenes ng top-rating daytime drama. Napansin at pinuri ng batikang direktor na si Joey Reyes ang eksena kung saan nginudngod ni Emma si Geneva sa photocopying machine.


Aniya, "Say what you will but for me this is the BEST SHOW on commercial TV today!! High unabashed, unapologetic CAMP that brings flashbacks of the 70s sensibilities of Elwood Perez & Joey Gosiengfiao! So cheesy that it becomes deliciously creamy! Screw subtlety! Catfights galore!"

Balikan ang naturang eksena dito:

Photo by @Joey Reyes (FB)