TV

WATCH: Sunshine Dizon, tatanggap ng Best Actress Award sa Amerika para sa 'Ika-6 Na Utos'

By Al Kendrick Noguera

Ngayong darating na Biyernes, November 18, lilipad patungong Los Angeles, California si Kapuso actress Sunshine Dizon upang tanggapin ang kanyang Best Actress Award na ipaparangal sa kanya ng Gawad Amerika.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, kinilala ng mga Pinoy sa Amerika ang galing ni Sunshine sa pagganap bilang si Emma sa highest-rating daytime drama na Ika-6 Na Utos

"Masayang-masaya po talaga tayo na nare-recognize 'yung hard work natin and all our efforts. Nakakatuwa rin and nakakataba ng puso na 'yung mga kababayan naman natin abroad ang nagbibigay ng recognition na ganito sa atin," pahayag ni Sunshine.

Samantala, paganda nang paganda ang itinatakbo ng istorya ng Ika-6 Na Utos kaya't nagbigay ng ilang updates si Sunshine tungkol sa GMA Afternoon Prime soap.

Aniya, "Nagkakaroon na ng kutob si Emma na buhay si Rome. Pero siyempre, hindi talaga titigil si Emma hangga't hindi niya napapatunayan 'yon. Kumbaga, against all odds, [gagawin niya ang lahat] makuha lang ulit si Rome. Sobrang dami pang twists so kapit lang."

Panoorin ang kabuuan ng 24 Oras report.