TV

LOOK: 'Ika-6 Na Utos,' big winners sa 7th OFW Gawad Parangal

By Michelle Caligan

Muli na namang napansin ang magaling na pagganap ni Sunshine Dizon bilang Emma sa Afternoon Prime series na Ika-6 Na Utos. Nagwagi siya bilang Best Actress sa katatapos lamang na 7th OFW Gawad Parangal para sa naturang teleserye.

READ: Sunshine Dizon, Gabby Concepcion at 'Wowowin,' ilan sa pinarangalan sa 7th OFW Gawad Parangal

Sa kanyang Instagram account, pinasalamatan ng aktres ang mga bumubuo ng Ika-6 Na Utos, pati na rin ang mga taong sumusubaybay sa palabas.


"Thank you to @gmanetwork , my directors Laurice Guillen, Lore Reyes, our writers Kuya Dode, Kuya Rj. To all our hardworking staff and crew and my co-actors para po sa atin ito. Sa aking management @pplentertainmentinc Kuya @perrylansigan at sa aking RM @martinchristiant para sa inyo din ito. My two beautiful Angels @doreenandanton mahal na mahal ko kayo at kayo ang aking inspirasyon. At muli po sa lahat ng sumusuporta sa #ika6nautos isang taon na tayong no. 1 sa daytime drama maraming maraming salamat po. To God be the glory," saad niya sa caption.

WATCH: #FlashbackFriday: Top 10 most viewed videos of 'Ika-6 Na Utos'

Hinirang din bilang Best Actor si Gabby Concepcion at Best Supporting Actress si Ryza Cenon.


Ani Ryza, "Hindi ko alam kung pano ko sya sisimulan. Pero una sa lahat gusto ko magpasalamat kay God. Thank you kasi all throughout alam ko ikaw ang hindi nawalan ng tiwala sa kakayahan ko, salamat. Sa tinuturing kong mga bayani, ang mga OFW sa parangal at tiwala na binigay nyo sakin. Nakakaiyak!!! Thank you @gmanetwork & @artistcenter @ggslara @bossenteng sa tiwala na sa akin niyo ibinigay si Georgia. Sa mga nagturo at nagpalakas ng loob ko, Direk @lauriceguillen (my mentor), Direk @lorereyes1, Ms. @kamille_ph, sa team georgia glam team, sa lahat ng staff and crew ng ika 6. Sa co-actors ko salamat sa tulong po. Nanay Odette (Loleng)!!!! Ito na po! At sa mga inspirasyon ko at naging takbuhan ko baby @pocholobarretto @vivaartistsagency Boss @veroniquecorpus @mhitpimentel salamat po. Sa lola ko, mallows and cindy salamat sa inyo. Sa mga supporters ko at haters ni Georgia salamat po. Yang award na yan para sa inyong lahat, salamat mga kapuso. Mahal ko kayo."


Congratulations, Kapuso!