TV

WATCH: Mga tagpo sa last week's episodes ng 'Ika-6 Na Utos,' patok online!

By Jansen Ramos

Patok online ang mga maiinit na eksena noong nakaraang linggo sa country's top daytime drama na 'Ika-6 Na Utos.' 

Isa na riyan ang highlight video ng February 16-episode kung saan hinainan ng arrest warrant si Georgia (Ryza Cenon). Nakuha nito ang 19th spot sa trending list ng YouTube ngayong araw, February 19.

Narito ang nasabing eksena:

 

Samantala, ang highlight video naman ng February 17-episode nito, umani kaagad ng mahigit one million views sa YouTube sa loob lamang ng isang araw.

Sa video, halos sakluban ng langit at lupa si Emma (Sunshine Dizon) nang malaman niyang siya ang tunay na ina ni Sydney.