TV

Ryza Cenon, may mensahe sa 'Team Georgia' ng 'Ika-6 na Utos'

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Ryza Cenon ang kanyang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanyang journey sa pagganap bilang Georgia sa Ika-6 na Utos.

Ani ni Ryza, "Sa mga taong nag alaga sakin mula simula hanggang huli. Sila ang saksi sa lahat ng pinagdaanan ko kay Georgia."

 

Pagpapatuloy ni Ryza, "Maraming maraming salamat sa inyong lahat at sa pag aalaga. Mahal na mahal ko kayo. #teamgeorgia #ika6nautos"

Panoorin si Ryza sa kanyang pagganap bilang Georgia sa nalalapit na pagtatapos ng Ika-6 na Utos sa GMA Network.