TV

Pamamahiya nina Emma at Rome kay Georgia sa 'Ika-6 Na Utos'

By Aaron Brennt Eusebio

Mahigit isang taon ding umere mula noong 2016 hanggang 2018 ang hit Kapuso afternoon drama na 'Ika-6 Na Utos' na pinagbibidahan nina Sunshine Dizon, Gabby Concepcion, at Ryza Cenon.

Ginagampanan nina Sunshine, Gabby, at Ryza, ang mga karakter nina Emma, Rome, at Georgia na naipit sa love triangle.

Maayos ang pagsasama ng mag-asawang sina Emma at Rome hanggang sa nagkaroon sila ng problema dahil nakilala ni Rome si Georgia na naging kabit niya.

Ngayong muling pinapalabas ang 'Ika-6 na Utos' sa GMA Afternoon Prime dahil sa COVID-19, balikan ang mga hindi malilimutang pamamahiya ni Emma sa kabit ng kanyang asawa na si Georgia.

Mapapanood muli ang Ika-6 Na Utos mula Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.

#Bakbakan Na : Emma VS Georgia VS Geneva

IN PHOTOS: The sweet side of 'Ika-6 Na Utos' kontrabida Ryza Cenon