TV

WATCH: Transformation ni Kris Bernal, kinatakutan!

By BEA RODRIGUEZ

Natakot ang Yez Hotel staff nang sumugod sina Nimfa at Cristel sa front desk upang ireklamo ang palpak na serbisyo ng kanilang tinutuluyang hotel.

Sinabihan niya ang kanyang kasama na huminahon kasi baka mamukhaan siya ng mga hotel staff. Sa malapitan, namukhaan ni Victoria ang kanilang hotel guest bilang ang bida sa upcoming remake ng Impostora.

Ibinuking ni Kristel na ang kanyang kasama ay walang iba kundi ang gumaganap na si Kapuso star Kris Bernal. Pinatunayan rin ni Nimfa na siya nga ang magandang aktres nang tanggalin niya ang kanyang pekeng ngipin.

Malapit nang mapanood ang 2017 remake ng sikat na drama noong 2007 sa GMA Afternoon Prime simula ngayong Lunes (July 3), replacing Legally Blind.