TV

READ: Ano ang naging reaksiyon ni Kris Bernal nang mapanood ang pilot episode ng 'Impostora?'

By Aedrianne Acar

 

 

Ramdam na ng Kapuso leading lady na si Kris Bernal ang kaba sa papalapit na airing ng bago niyang afternoon drama na Impostora.

 

READ: Kris Bernal takes on challenging and daring dual role in 'Impostora'

Inaabangan ng maraming Kapuso viewers kung paano bibigyang buhay ni Kris sa remake na ito ang mga iconic characters nina Nimfa at Rosette.

Sa Instagram post ng Kapuso actress ngayong Huwebes, June 29, ibinahagi niya sa kaniyang mga followers na napanood na niya ang pilot episode ng Impostora.

Aniya isang malaking karangalan na maging parte ng proyekto na ito at inanyayahan niya ang lahat na panoorin ang pilot episode nila sa July 3.

Saad ni Kris, “Had the chance to preview the very first episode of Impostora. Goosebumps! I still can't get over! It's an unbelievable honor to be chosen to do the remake of this series which was originally and not to mention excellently portrayed by the actresses I adore and look up to, Ms. @missizacalzado and Ms. @m_sunshinedizon. Gossssssh! Kinakabahan na ko! IMPOSTORA, sa July 3 na po! Sana po masubaybayan ninyo.”