TV

Kris Bernal, nagpasalamat sa walong buwang itinakbo ng 'Impostora'

By Michelle Caligan

Kahit nasa Iceland na ngayon para magbakasyon, nag-abot pa rin ng pasasalamat si Kris Bernal sa mga sumuporta sa Afternoon Prime series na Impostora.

LOOK: #IceIceKB: Kris Bernal braves the cold in snowy Iceland

Sa kanyang Instagram account, ikinuwento ng Kapuso actress ang mga pinagdaaanan niya bilang sina Nimfa at Rosette sa loob ng walong buwan.


Aniya, "Hindi biro gawin ang #Impostora ng walong buwan, ang dami kong pinagdaananan, hindi lang sa mga eksena, pero sa hirap na rin na papalit-palit ako from Nimfa-Rosette, Rosette-Nimfa. Sulit ang bawat pagod, sugat, antok, sakit ng ulo, paglagas ng buhok, walang kain, at luha dahil ang sarap nga naman ng pakiramdam na umabot ng walong buwan. Ang daming nangyare diba? Haha! Halos hindi ko na ata naalagaan sarili ko. Haha! Maraming salamat sa pagtutok, na minsan kahit paulit-ulit, winner pa rin!"

Tuwang tawa naman ni Kris dahil sa wakas ay nakita na niya ang aurora borealis o northern lights. Ito raw kasi ang pangunahing dahilan kaya sa Iceland niya piniling magbakasyon.