GMA Logo Sofia Pablo Allen Ansay In My Dreams
What's on TV

Sofia Pablo at Allen Ansay mapapanood na sa 'In My Dreams' ngayong May 18

By Jimboy Napoles
Published May 16, 2023 2:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Maki, IV of Spades, more Filipino artists make it to Dazed100 Asia
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE
Nadine Samonte undergoes geneplant cancer screen test

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo Allen Ansay In My Dreams


Tutukan ang pilot episode ng 'In My Dreams' kasama sina Sofia Pablo at Allen Ansay ngayong May 18 sa lahat ng digital platforms ng GMA Public Affairs.

The long wait is finally over para sa maraming manonood na nag-aabang sa pinakabagong digital series ng GMA Public Affairs na In My Dreams na pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Simula May 18, mapapanood na ang nasabing digital series sa lahat ng GMA online platforms.

Huling napanood sina Sofia at Allen sa kanilang successful team-up sa kanilang first-ever primetime series na Luv Is: Caught in His Arms. Ngayon naman ay muling magpapakilig ang dalawa sa kanilang mga bagong karakter bilang sina Sari at Jecoy.

Makakasama rito nina Sofia at Allen, ang aktres na si Elijah Alejo at kanilang Luv Is: Caught in His Arms co-stars na sina Cheska Fausto at Tanya Ramos.

Kaabang-abang din ang mga karakter dito ng Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Juancho Trivino.

Tampok din sa series ang ilang content creators na sina Petra Mahalimuyak o Ashley Rivera, Christian Antolin, Berniecular, Alexis Vines, at Prince Adrian Dagdag.

Iikot ang kuwento ng In My Dreams sa business student at no boyfriend since birth o NBSB na si Sari na ginagampanan ni Sofia, at kay Jecoy na binibigyang-buhay naman ni Allen.

Upang maibsan ang kaniyang kalungkutan sa realidad ng buhay, nakabuo ng bagong mundo si Sari sa pamamagitan ng lucid dreaming kung saan niya nakilala si Jecoy. Sa kaniyang panaginip, pawang kasiyahan lamang ang kaniyang nararanasan kasama si Jecoy.

Pero ang pag-ibig na sa panaginip natagpuan, kaya bang itawid sa totoong buhay?

Ang In My Dreams ay mula sa may likha ng matagumpay na fantasy romance drama ng GMA Public Affairs na The Lost Recipe.

Mapapanood ito sa GMA Public Affairs' Facebook page at YouTube account simula May 18, tuwing Martes at Huwebes, 6:00 p.m.

SILIPIN ANG LAST DAY OF TAPING NG IN MY DREAMS SA GALLERY NA ITO: