GMA Logo Allen Ansay, Sofia Pablo
What's on TV

In My Dreams: Sari, nakilala na ang kaniyang boyfriend na si Jecoy sa panaginip

By Jimboy Napoles
Published May 30, 2023 1:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay, Sofia Pablo


Ang certified NBSB o No Boyfriend Since Birth na si Sari, luma-love life sa kaniyang panaginip.

Sa previous episodes ng In My Dreams, nakilala na ni Sari (Sofia Pablo) ang kaniyang boyfriend at “soulmate” na si Jecoy (Allen Ansay).

Sa kaniyang lucid dreams, masayang nagba-bonding sa dalampasigan sina Sari at kaniyang mga kaibigang TikTokerists na sina Petra (Ashley Rivera), Christian (Christian Antolin), Bernie (Berniecular), at Alexis, (Alexis Vines), nang mapagpasiyahan nila na hanapin ang soulmate ni Sari sa isang app sa kaniyang cellphone.

Isang click lang, tila instant na bumagsak mula sa langit si Jecoy - ang lalaking nagpakilalang boyfriend ni Sari. Sa una, tila hindi nagustuhan ni Sari ang biglaang pagdating ni Jecoy, hanggang sa ma-realize niya na cute rin pala ang binata.

Sa hindi naman inaasahang pangyayari, unti-unting naglaho ang mga kaibigan ni Sari at ang mga kabahayan malapit sa dalampasigan sa loob ng lucid dream hanggang ang natira na lamang ay sila ni Jecoy.

Upang mapagaan ang pakiramdam ni Sari, niyaya siya ni Jecoy na lumangoy sa dagat hanggang sa mapunta sila sa isang maze farm. Habang hinahanap nila ang daan palabas dito ay nakita nila ang mga core memories ni Sari na nakalagay sa mga mahiwagang bola.

Kabilang sa core memories na ito ay ang panahong kasama pa ni Sari ang kaniyang ama na matagal na silang inabondana. Nandito rin ang alaala ni Sari kasama si Vincent, ang kaniyang kaklase sa Psychology 101 na tumulong sa kaniya. Ayon naman kay Jecoy, tila namumukhaan niya si Vincent pero hindi niya rin alam kung saan niya ito nakita.

Nawala naman si Sari sa kaniyang panaginip nang gisingin siya ng kaniyang ina.

Sa susunod na episode, mas maiintindihan na ni Sari ang laman ng kaniyang lucid dreams dahil sa paggabay sa kaniya ng kaniyang professor sa Psychology.

Balikan ang previous episodes ng In My Dreams DITO:

EPISODE 1: Sari, nagkaroon ng instant soulmate?


EPISODE 2: Kilalanin si Jecoy, ang boyfriend ni Sari!


EPISODE 3: Jecoy at Sari, nagkamabutihan at mas nakilala ang isa't isa


Subaybayan ang In My Dreams na mapapanood sa GMA Public Affairs' Facebook page at YouTube account tuwing Martes at Huwebes, 6:00 p.m.

SILIPIN ANG LAST DAY OF TAPING NG 'IN MY DREAMS' SA GALLERY NA ITO: