TV

AlFia, may patikim na sa bago nilang project with GMA Public Affairs

By Aedrianne Acar

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng kilig ng Sparkle love team nina Sofia Pablo at Allen Ansay!

Sa exclusive report ng Chika Minute, inanunsyo na mapapanood sina Sofia at Allen, o kilala sa tawag na, AlFia sa first digital series ng award-winning GMA Public Affairs na “In My Dreams” ang dalawa.

Ang bagong proyekto ay mula sa creators ng fantasy-romance series na The Lost Recipe na pinagbidahan noon nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

Ayon kay Sofia, kakaiba ang gagawin nila sa In My Dreams. Aniya, “It' something different sa lahat ng nagawa namin, since meron nga po siyang touch of magic [and] realism.

“And feeling ko, para rin sa mga audience it's gonna be exciting. Parang ngayon lang siya mapapanood sa generation namin na, 'Ay, may ganun pala.'”

Sinegundahan naman ito ng kaniyang kapareha na si Allen na sinabing nakaagaw-pansin agad ang twist ng istorya nung nabasa nila.

Paliwanag ng StarStruck heartthrob, “Kasi nung nabasa pa lang namin 'yung storyline, talagang ang ganda po nung twist niya. Tapos 'yung story niya talagang nakakakilig. Kaya ngayon pa lang talaga nung binasa namin parang, 'Wow! Super excited!'”

Bukod sa gagawin nila series sa GMA Public Affairs, marami rin ang nag-aabang sa kanilang Luv Is: Caught In His Arms na isang adaptation ng hit Wattpad series ni Ventre Canard.

Sa dati nilang panayam sa 24 Oras, nagkuwento ang Team Jolly tungkol sa mga ginampanan nilang karakter.

Ano ang masasabi ni Sofia sa role niya na si Florence?

“Very strong! Kitang-kita ng mga reader sa trailer na palaban siya. Siyempre magbabago 'yung mundo niya nang makilala niya si Nero,” saad ng Kapuso actress.

Samantala, malayo raw sa personality niya bilang Allen ang pinortrey niyang role bilang Nero.

“Ako naman, sobra ako na-pressure sa character ko, kasi ibang-iba si Allen kay Nero Sebastian Ferell. Nag-practice talaga ako, inaral [ko] kung paano gumalaw bilang mayaman.”

Para sa latest updates and exclusive content tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms at In My Dreams, bisitahin ang GMANetwork.com.

MORE SWEET PHOTOS OF ALFIA HERE: