TV

Zonia Mejia, grateful na mapabilang sa 'Heartful Café'

By Dianara Alegre

Isa ang bagong Kapuso actress na si Zonia Mejia sa cast ng romance drama series na Heartful Café, na pinagbibidahan nina Asia Pop Diva Julie Anne San Jose at Kapuso hunk David Licauco.

Kamakailan ay na-feature si Zonia sa In the Limelight, ang online show ng GMA Artist Center, kung saan ikinuwento niya ang traits at characteristics ng role niyang si Soledad Fulgencio.

Source: Itszonia (Instagram)

“Si Soledad Fulgencio a.k.a Sol ay makulit and hindi siya naniniwala sa love. Pinsan siya ni Heart Fulgencio na ginampanan ni Ate Julie Anne San Jose.

“Taga-Baguio si Sol. Pumunta siya ng Manila kasi may problem siya sa family niya na gusto niyang iwasan at gusto niyang iwan sa Baguio.

“Tutulungan niya si Ate Heart sa Heartful Café kasi ang course niya is Management. So, marunong siya mag-manage ng business,” aniya.

May pagkamasungit din si Sol, pero aniya, dapat abangan ng viewers ang development ng karakter niya.

“Medyo masungit siya sa isang guy, si Buddy Portales [Jamir Zabarte]. Lagi silang magkaaway. Hindi sila mapagbati. Ano sila…away, bati, pero madalas away lang.

“Pero abangan n'yo kasi malalaman n'yo at mas maggo-grow pa 'yung character ni Sol all throughout the journey of 'Heartful Café',” dagdag pa niya.

Ito ang unang beses na naging bahagi ng cast ng isang serye ang young actress.

“Masasabi ko sobrang saya, sobrang enjoy, and sobrang happy ako na sila 'yung nakatrabaho ko sa unang teleserye na mapapasali ako, itong Heartful Café.

“I'm very very happy and grateful na sila 'yung kasama ko sa unang lock-in taping ko din na experience. And tinutulungan din nila kami, ako, lalo na siyempre baguhan lang din ako sa teleserye sa mga ganito,” aniya.

Dahil baguhan sa industriya, nagpapasalamat si Zonia sa mga taong tumutulong sa kanyang pag-arte, kabilang na si Julie Anne.

“Ginagabayan ako ng directors, ng acting coach namin, si Ate Heart [Julie Anne] as well dahil madalas siya din 'yung kaeksena ko.

"Tinutulungan niya din ako sa mga eksenang minsan hindi ko din maintindihan,” sabi pa niya.

Samantala, kilalanin ang cast ng Heartful Café sa gallery na ito: