What's on TV

Matt Lozano shares his family's experience with COVID-19

By Dianne Mariano
Published September 28, 2021 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Matt Lozano


“Sana po lahat ng tao ngayon magpa-vaccine kasi hindi lang po 'yung sarili natin 'yung mase-save natin kundi po 'yung mga mahal natin sa buhay at buong community,” pagbahagi ni Matt Lozano.

Sa bagong episode ng In The Limelight, ibinahagi ni Kapuso actor Matt Lozano ang karanasan ng kanyang buong pamilya matapos mag-positibo sa COVID-19.

Photo courtesy: In The Limelight

Kuwento niya, “Last year, noong medyo wala pang kaalaman ang mga tao sa COVID-19 dahil bagong bago pa ito, lahat kami, buong family ko nag-positive sa COVID-19 and isa 'yon sa mga pinaka-worst na experience ko sa buong buhay ko dahil natakot ako."

“Buong family ko tinamaan. Hindi ko sure kung makaka-survive kami that time kasi hindi ko alam eh, walang may alam. And hindi biro ang COVID-19 dahil ang dami nang nawawala sa mundo because of this virus.”

Dahil dito, mas naging maingat ang aktor at ang kanyang buong pamilya matapos ang karanasang ito.

“Kaya naman, noong nangyari sa amin 'yon, hanggang ngayon, extra careful kami. I see to it na naghuhugas kami palagi ng kamay, alcohol, face mask, face shield,” pagbahagi ni Matt.

Ibinahagi rin ng Voltes V: Legacy star ang importansya ng pagbabakuna laban sa COVID-19.

Aniya, “Sana po lahat ng tao ngayon magpa-vaccine kasi hindi lang po 'yung sarili natin 'yung mase-save natin kundi po 'yung mga mahal natin sa buhay at ''yung buong community.”

Mas kilalanin pa si Matt Lozano bilang isang aktor at singer sa In The Limelight video sa itaas.

Samantala, tignan ang mga larawan ni Matt Lozano sa gallery na ito: