TV

Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Angelu de Leon, patunay sa powerhouse cast ng 'Inagaw Na Bituin'

Sanib-puwersa ang tinaguriang Kapuso royalties pagdating sa drama at pag-arte na sina Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, at Angelu de Leon sa inaabangang Kapuso musical-drama series na Inagaw Na Bituin.

Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, at Angelu de Leon

IN PHOTOS: Stars ng Inagaw Na Bituin, nagningning sa kanilang media conference

Patunay na isang powerhouse cast ang bumubuo sa Inagaw Na Bituin lalo na't muli rin nilang makakatrabaho si Direk Mark Reyes.

Anang direktor, si Angelu ang kanyang original baby, na kanyang nakatrabaho sa T.G.I.S. Sumikat naman si Angelika sa Pintados at si Sunshine sa Encantadia, mga programang sumailalim din sa direksyon ni Direk Mark.

READ: Direk Mark Reyes, kumuha ng inspirayon mula sa kulturang Pinoy para sa Inagaw Na Bituin

Sambit ng direktor tungkol sa tatlong seasoned Kapuso stars, “These girls can star in their own shows in primetime or afternoon prime. They can handle it. Can you imagine three of these girls in one show with these two new girls [Kyline Alcantara and Therese Malvar]? Hello? I mean, 'di ba, balwarte ng GMA ang afternoon prime. Iba talaga, of course, there'll be the best. We're very excited that we're together.”

Nananabik din sina Sunshine, Angelika, at Angelu na maka-eksena ang isa't isa.

Pahayag ni Angelu, “I'm sure hindi mauubusan 'yung writers na pwedeng isipin na, 'di ba, 'Puwede nilang gawin, kaya nila 'tong gawin'. 'Yun nga lagi kong sinasabi, I think Inagaw Na Bituin dahil sama-sama kaming mga artista, it's gonna be blown out of proportions na puwede lahat mangyari. 'Yun ang aabangan sa show na Inagaw Na Bituin kasi anything under the sun can really happen.”

Sumang-ayon dito si Sunshine, “It's nice to work with people you've known for years and you know your space during scenes, hindi ka naiilang, you trust your co-actors… I'm sure the writers are all excited dahil nga naman puwedeng-puwedeng gawin kung ano."

Tiwala rin si Angelika na magugustuhan ng mga manonood ang kanilang upcoming show dahil mga beterano na rin sa drama ang kaniyang makakasama .

Aniya, “I'm just very happy to be working with very good actors kasi pag magaling 'yung mga ka-eksena mo, masarap makipagbatuhan ng linya. 'Tsaka alam mo na 'yung mga tao, mae-enjoy din nila 'yung mga eksenang ginawa namin.”

Ang Inagaw Na Bituin ay pagbibidahan nina Kyline Alcantara at Therese Malvar. Maliban kina Sunshine, Angelika, at Angelu, makakasama rin sa powerhouse cast sina Marvin Agustin, Gabby Eigenmann, at Jackie Lou Blanco.

Ang Inagaw Na Bituin ay mapapanood na sa GMA Afternoon Prime simula Lunes, February 11.