TV

Ang ginintuang tinig nina Elsa at Melody | Ep. 22

By Cherry Sun

Sa episode ng Inagaw Na Bituin noong Martes, March 12, nagsimula na ang tunay na laban ng magkapatid na sina Elsa (Kyline Alcantara) at Melody (Melbelline Caluag) sa pagsisimula ng singing competition.

Mas pursigido ngayon ang kapatid na manalo at makamit ang kanilang pangarap dahil nasa ospital ang kanilang inang si Aurora (Angelu de Leon).

Samantala, nagpaabot din ng tulong sina Belinda (Sunshine Dizon) at Eduard (Marvin Agustin) sa pagpapagamot ni Aurora.

Dito ay nagkaharap-harap na ang tunay na magulang ni Elsa at ang itinuturing niyang ina.

Panoorin:

Simula na ba ang pagningning ng tunay na kinang ni Elsa? Tutok lang sa Inagaw Na Bituin sa GMA Afternoon Prime.