TV

Mukhang back-up singers ni Ariela sina Elsa at Melody | Ep. 29

By Cherry Sun

Sa episode ng Inagaw Na Bituin noong Huwebes, March 21, isang pasabog ang ginawa ni Ariela (Therese Malvar) sa tulong ng kanyang inang si Lucy (Angelika dela Cruz) para pagmukhaing back-up singers lang niya sina Elsa (Kyline Alcantara) at Melody (Melbelline Caluag).

Ngayong magkakasama na sina Elsa, Melody at Ariela sa isang singing group, hindi papayag si Ariela na maging kapantay lang niya ang magkapatid. Kaya naman, nagpasadya siya ng isusuot sa press conference para magmukhang siya ang bida at back-up lang niya sina Elsa at Melody.

Panoorin:

Tutok lang sa Inagaw Na Bituin sa GMA Afternoon Prime.