TV

WATCH: Barbie Forteza at Derrick Monasterio, excited nang ibahagi ang 'Inday Will Always Love You!'

By Bea Rodriguez

Mga suki, malapit n’yo nang matikman ang world-famous lechong Cebu nina Happylou at Patrick sa upcoming romantic-comedy series na Inday Will Always Love You sa GMA Telebabad.

Tapos nang mag-shooting sina Kapuso stars Barbie Forteza at Derrick Monasterio ng kanilang mga kilig na eksena sa Cebu.

Patuloy naman ang taping ng love team ng kanilang mga eksena dito sa Manila. Sa tabing-riles daw unang magkakakilala ang kanilang mga karakter.

Hindi magiging smooth ang kanilang first meeting, ayon sa leading lady, “Dito nagbunga ‘yung away naming dalawa na magko-continue sa Cebu.”

“Parang ito po ‘yung umpisa ng lahat ng mga pambu-bully ko sa kanya,” dagdag naman ng aktor.
 
Excited na silang dalawa na ibahagi sa mga Kapuso viewers ang kanilang proyekto na pinaghahandaan nila mula magsimula ang taon.

“Sobrang excited!” sigaw ni Barbie sa Balitanghali. Worth it naman ito para kay Derrick, “Masarap po kasi ‘yung feeling na ‘yung sobrang pinaghirapan mo, makikita mo na [at] sobrang ganda ng kalalabasan.”

Mapapanood na ngayong Mayo ang kuwento nina Happylou at Patrick sa Inday Will Always Love You.

Video courtesy of GMA News