TV

Barbie Forteza, Derrick Monasterio at Juancho Trivino masaya ang bonding moments sa taping ng 'Inday Will Always Love You'

By Gia Allana Soriano

Natutuwa ang lead stars ng Inday Will Always Love You na sina Barbie Forteza, Derrick Monasterio, at Juancho Trivino sa kinalabasan ng kanilang upcoming GMA romcom.


Ani Barbie, "Very relatable, napanood na po namin 'yung pilot episode namin. 'Yung raw edit, and very promising, grabe."

Dagdag pa ni Derrick, "Lahat sila, like talagang lahat kami ginagampanan namin nang mabuti 'yung characters namin, consistent, lalo na si Barbie actually."

Ikinuwento naman ni Juancho kung ano ang dapat abangan ng fans. Ika niya, "'Yung dapat abangan ng mga tao dito is 'yung chemistry ng cast na ito. Dahil we're a weird group, napakasaya namin off-cam."

Nilarawan naman ni Derrick ang kanyang karakter na si Patrick. Aniya, "'Yung character ko po, masungit siya na in a way nagpapakaseryoso lang sa business." Si Barbie bilang Happylou nga raw ang naging "sunshine" ng kanyang karakter.

Mala-aso't pusa rin ba ang simula ng relationship ng dalawa? Saad naman ni Barbie, "Hindi kami naging friends agad, unlike kami ni Juancho (plays Ernest), mag-best friends kami."

Sabi pa ni Juancho, "I'm sure na maraming makaka-relate sa character ko dahil may mga kaibigan talaga na may secret na pagtingin."

Panoorin ang buong report sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News