TV

WATCH: Barbie Forteza, ang reyna ng lechon?

By Bea Rodriguez



Umere na kagabi, May 21 ang inaabangang romantic-comedy Primetime series ni Kapuso star Barbie Forteza na Inday Will Always Love You.

Trending at panalo sa ratings ang bonggang pilot episode ng GMA Telebabad soap kung saan tampok ang ganda ng Cebu.

Ipinakilala ang ating masayahing bida na si Happylou (Barbie Forteza), ang kanyang pamilya, tahanan sa riles at trabaho sa lechunan.

Ang problema na kasalukuyang hinaharap ng pamilya ni Happylou ay ang pagpapaalis sa kanila sa riles. Paano makakaahon ang reyna ng lechon?

Tunghayan ang napakapositibo na ugali ni Inday gabi-gabi sa Inday Will Always Love You pagkatapos ng Kambal, Karibal.