TV

WATCH: Juancho Trivino at Tekla, ipinakilala na sa 'Inday Will Always Love You'

 

Lumipad na patungong Cebu si Happylou (Barbie Forteza) para sa kanyang pamilya.

First time maranasan ni Inday ang napakasikat na fiesta ng Queen City of the South, ang Sinulog Festival kasama ang kanyang best friend na si Ernest (Juancho Trivino) at ang kanyang makakasama sa trabaho na si Kimberlou (Tekla).

Ano kaya ang buhay na naghihintay kay Happylou sa bago niyang tahanan? Alamin sa pinakabagong romantic-comedy series ng GMA, ang Inday Will Always Love You sa GMA Telebabad.