TV

Gladys Reyes, nag-react sa write-up na nagsabing 15 minutong umiyak ang aktres na kanyang sinampal

By Al Kendrick Noguera

Isang write-up ng isang Entertainment website ang ibinahagi ni Kapuso actress Gladys Reyes sa kanyang Instagram.

Base sa titulo ng online content, 15 minuto raw umiyak ang Inday Will Always Love You co-star ni Gladys na si Ayra Mariano matapos siyang makatikim ng sampal ng kontrabida.

Narito ang social media post ni Gladys.

"Trabaho lang po walang personalan," pahayag ni Gladys.

Samantala, pinasalamatan naman niya ang writer ng nasabing article. Aniya, "Thank you, Kuya @jojogabinete and @pepalerts for your support on Inday Will Always Love You!"

Abangan ang mas matitinding pasabog ni Gladys bilang Amanda sa Inday Will Always Love You, weeknights pagkatapos ng Onanay sa GMA Telebabad.