TV

Tuklasin ang mga lihim ng 'Innamorata' via Live Chat on April 11!


Paganda nang paganda ang mga eksena sa Innamorata. Marami na ring lihim ang unti-unting nabubunyag. Nalaman na ang koneksyon ni Esperanza kay Alejandra at malalaman na rin ni Edwin kung sino si Alejandra sa buhay nila.

Marami pa tayong matutuklasan sa live chat ng Innamorata cast this April 11, Friday, sa GMANetwork.com. Makakasama natin ang mga bida ng show na sina Max Collins, Luis Alandy, Dion Ignacio at Gwen Zamora.

Unti-unti nang nakokontrol ni Alejandra (Gwen Zamora) si Esperanza (Max Collins) dahil sa madalas na pagsuot ni Esperanza ng kwintas ni Alejandra. Muling nabuhay ang kanyang lola, at sa kanyang pagbabalik, oras na rin nang kanyang paniningil kapalit ng kagandahang ibinigay niya sa tulong ng kanyang kwintas kay Esperanza.

Si Edwin (Luis Alandy) ang pinakamamahal ni Esperanza. Nahulog na ang loob nito sa dalaga dahil bukod sa angking kagandahan, mabait din ang dalaga. Pero ano ang kanyang magiging reaksyon kapag malaman niya ang pangit na anyo ni Esperanza. Matatanggap niya pa rin kaya ang kasintahan? O magbabago rin ang pakikitungo niya rito?

Sa pagbabalik ni Alejandra, nakita niya si Edwin na kamukha ni Arnaldo. Si Arnaldo ang pinakamamahal ni Alejandra kaya nais niyang manumbalik sa kanya ang binata tulad noon.

Si Dencio (Dion Ignacio) ang pinakatapat na kaibigan ni Esperanza. Kapag kinailangan siya ni Esperanza, dali-dali niyang sinasaklolohan ito. Protective din siya kay Esperanza. Kaya naman ayaw niya kay Edwin noong una dahil pakiramdam nito, papaiyakin lamang nito ang kaibigan. Lalo na at di alam ni Edwin ang tunay na anyo ni Esperanza. Ngunit hanggang pakikipagkaibigan lang ba ang pagtingin niya kay Esperanza o higit pa roon?

Malalaman na natin ang mga kasagutan sa April 11, Biyernes sa GMANetwork.com Live Chat! Kaya maghanda na kayo ng inyong mga katanungan dahil personal kayong sasagutin nina Max Collins, Luis Alandy, Gwen Zamora at Dion Ignacio.

Mag-log on na sa GMANetwork.com/livechat mula 2 p.m. hanggang 4 p.m. para makasama sa exclusive event na ito.

--Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com.