TV

Iba't ibang mukha ng ina sa 'Innamorata'



Sa okasyong ito, inisa-isa ng GMANetwork.com ang mga magigiting na ina sa Innamorata.  Kilalanin natin sila.
 




Cora
Si Cora (left photo, Lovely Rivero) ang ina ni Dencio (Dion Ignacio) na hindi nagsasawang magbigay ng payo sa kanyang anak para sa ikakabuti nito. Napapansin ni Cora na may pagtingin si Dencio sa kanyang matalik na kaibigan na si Esperanza. Madalas niyang sabihin sa anak na maging tapat sa nararamdaman. Kahit nagkakasakit, pinipilit ni Cora itaguyod nang mag-isa si Dencio dahil iniwan na sila ng ama nito.

Protective din si Cora kay Dencio. Nang sabihin ni Gina (Jackie Rice) na hindi niya magugustuhan si Dencio dahil mahirap lang ito, ipinagtanggol ni Cora ang anak. Ipinagtabuyan din niya si Gina dahil sa panlalait nito sa kanyang pinakamamahal na anak.

 
Delia
Si Delia (middle photo, Pinky Amador) ang nanay-nanayan ni Esperanza. Kinupkop niya si Esperanza at inalagaan pero nang pumangit si Esperanza, itinakwil niya ito. Gayumpaman, hindi matatawaran ang kanyang ginawang pagkupkop sa kanyang pamangkin nang nangangailangan ito ng isang ina.

Bagama’t hindi perpekto, mahal na mahal ni Esperanza ang kanyang kinilalang ina.
 

Alice
Si Alice (right photo, Rita Avila) ang tunay na ina ni Esperanza. Matagal na siyang hinahanap ni Esperanza. At ngayong natagpuan niya na ito, walang sisidlan ang tuwa ni Esperanza. Dahil sa pangungulila, madalas mag-bonding ang mag-ina. Nagkapatawaran na rin sila sa pagkukulang ng bawat isa.

Sa araw ng kasal ni Esperanza, hinablot ni Gina ang kwintas nito na nagbibigay sa kanyang ng pansamantalang kagandahan. Nasaksihan ng lahat ang pangit na anyo ni Esperanza. Hindi rin makapaniwala si Alice sa kanyang natuklasan. Naalala niya si Leandro, ang ama ni Esperanza, na ganoon din ang anyo. Tanggap ni Alice ang itsura ng kanyang anak. Kaya naman pinagtanggol niya ito laban kay Gina.
 

Ang pagmamahal ng isang ina ay hindi matatawaran. Lahat ng bagay kaya nilang gawin para maibigay ang pangangailangan ng kanilang mga anak. Kaya naman sa espesyal na araw na ito, nais naming batiin ang bawat ina ng Happy Mother’s Day!

Saksihan kung paano magmahal ng mga ina ng Innamorata na sina Alice, Cora, at Delia tuwing hapon sa pagkatapos ng Villa Quintana. Para sa updates, bisitahin lagi ang www.gmanetwork.com.

-- Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com