Innamorata: Alejandra and Edwin's agreement
Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang drama fantaseryeng Innamorata.
Sa ika-siyam na linggo ng Innamorata rerun, nalaman na ni Esperanza (Max Collins) ang dahilan kung bakit magpapakasal si Edwin (Adrian Alandy) kay Alejandra (Gwen Zamora).
Ayon kay Delia (Pinky Amador), sumang-ayon si Edwin sa suhestiyon ni Alejandra na pakasalan siya kapalit ang kaligtasan ni Esperanza dahil alam ng binata ang kakayahan ni Alejandra.
Pinuntahan ni Esperanza si Edwin at sinabing huwag magsakripisyo para sa kanya. Gayunpaman, naging malamig ang pakikitungo ng dating nobyo sa kanya.
Habang nagpapahinga sa kuwarto, nagpakita ang yumaong si Manang Belen (Luz Fernandez) kay Esperanza.
Ibinunyag ng matanda kay Esper na isasama ni Alejandra si Edwin sa kabilang buhay pagkatapos ng kanilang kasal at hindi na makakabalik sa mundo ng mga tao.
Balikan ang episodes ng Innamorata mula July 19 hanggang July 23 dito:
Alejandra threatens Esperanza's life
Edwin surrenders himself to Alejandra
Edwin gets trapped in the painting
Edwin chooses Alejandra over Esperanza
Alejandra and Edwin's agreement
Sa mga nais balikan ang full episodes ng Innamorata at iba pang GMA programs, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama series.
Mapapanood ang huling linggo ng Innamorata Lunes pagkatapos ng Ang Dalawang Ikaw sa GMA Afternoon Prime.